Sunday, December 16, 2012

DESIDERATA (mababaw na pagkakasalin)

I have searched the net only to find out that this very inspiring poem entitled "desiderata"
(desired things), has no filipino spoken-word translation. Lahat ng salin na nakita ko ay malalalim, may kakayanang magpadugo ng ilong. The reason that I made one. Kumpara sa translasyon ni Pete Lacaba, mababaw na tagalog ang ginamit sa bersyong ito nang sa gayon mas lalong maintindihan ng mga mas nakababatang henerasyon. 
P.S. - Ok lang na pintasan. Siguraduhin lang na malikhain ang approach :)

DESIDERATA
ni Max Ehrman, 1920
Salin sa Tagalog ni Israel Ibarra, 2012

Humayo kang panatag ang loob sa mundo ng ingay at pagmamadali,
Go placidly amid the noise and haste,

at iyong tandaan anong kapayapaan ang madarama sa katahimikan.
and remember what peace there may be in silence. 
Hangga't maaari ‘wag kang susuko kahit mahirap, makipagkapwa tao sa lahat.
As far as possible, without surrender, be on good terms with all persons. 
Mahinahon at malinaw mong sabihin ang iyong saloobin; pero pakinggan mo rin naman ang iba,
Speak your truth quietly and clearly; and listen to others,
Ang mga mangmang at kapos sa pinag-aralan; sila rin ay may sari-sariling kwentong dala.
even to the dull and ignorant; they too have their story.
Ang mga maiingay at palaaway ay iyong iwasan; nakakabulahaw sila ng kalooban.
Avoid loud and aggressive persons; they are vexations to the spirit.
Kung ikukumpara mo ang iyong sarili sa iba,
Baka yumabang ka lang o baka mainggit naman,
If you compare yourself with others, you may become vain or bitter,
Sapagkat meron at merong lalamang o di kaya’y mas mababa sa iyong katayuan.
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Lasapin mo ang iyong mga tagumpay pati na rin ang mga plano sa buhay.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Maging interesado sa iyong trabaho, gaano man kahamak o kaliit ang sweldo ,
Keep interested in your own career, however humble,
Kayamanan ‘yang maituturing sa pabago-bagong kapalaran ng buhay.
it's a real possession in the changing fortunes of time.

Lagi kang mag-ingat sa iyong pagnenegosyo,
dahil puno ng pandaraya ang mundo.
Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery. 
Pero, huwag naman itong makahadlang kung ano talagang nariyan sa puso mo;
But let this not blind you to what virtue there is;
Maraming nagkukumahog na maabot ang matatayog na mithiin,
at kahit saan tumingin, ang buhay ay puno ng kabayanihan.
many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism.
Maging totoo sa sarili
Be yourself.
Higit sa lahat, huwag mapagkunwari sa nararamdaman.
Especially do not feign affection.

Huwag ring matakot na umibig;
Neither be cynical about love;
Sapagkat sa kabila ng kalungkutan at pagkabigo,
for in the face of all aridity and disenchantment,

Ito’y parang damo na palagiang tumutubo.
it is as perennial as the grass.
Dalang karunungan ng pagtanda ay tanggapin ng buo,
Take kindly the counsel of the years,

Habang ang mga bagay ukol sa kabataan ay magaan mong isuko.
gracefully surrendering the things of youth.
Palakasin mo ang iyong loob upang mapaglabanan ang biglaang pagkasawi.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. 
Pero huwag mo’ng pagurin ang sarili sa pag-iisip ng mga nakakatakot na imahinasyon 
But do not distress yourself with dark imaginings. 

Maraming takot ay mula lamang sa pagod at kalungkutan.
Many fears are born of fatigue and loneliness. 
Sa likod ng ibayong disiplina, sarili mo'y huwag pahirapan.
Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

Isa kang anak ng sansinukob, tulad ng mga bituin at kakahuyan;
                            You are a child of the universe, no less than the trees and the stars;

Ang mabuhay rito ay karapatan mo.
you have a right to be here.
At malinaw man sa’yo o hindi,
And whether or not it is clear to you,
Walang duda, tutuloy-tuloy pa rin sa pag-ikot ang buhay.
no doubt the universe is unfolding as it should.
Kaya’t panatag kang sumandal sa Diyos, anuman Siya sa iyong isipan.
Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be.
At anuman ang iyong mga gawain at mithiin, sa maingay na kalituhang hatid ng  buhay,
And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life,
panatilihin mong mapayapa ang kalooban.
keep peace in your soul.
Sa kabila ng kasinungalingan, kawalang pag-asa at mga gumuguhong pangarap,
Maganda pa rin ang mundo.
With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world.
Maging masayahin.
Be cheerful.

Gawin ang lahat para lumigaya.
Strive to be happy.

Monday, July 4, 2011

Between iPods and Christianity

Napakaraming seminars and modern doctrines ang pinapasok ng mga church leaders nowadays. Kawawa ang mga church members dahil di na alam kung ano talaga ang papaniwalaang tama. Seminars and conferences are oftenly held by foreign pastors and facilitators na kadalasan strategy lang to attract more filipino christian audience.

Meron nga akong naririnig ngayon na may bagong term o title daw na tawag sa mga christians today - "Benjamin Generation" daw. Ano?! Another generation? E anu yung Joshua Generation dati? Yung Elijah Generation? Mali lahat yun? Benjamin naman ngayon ganon? Bukas ano na? Generation-X naman?
Parang ipod, may 1st, 2nd, 3rd Generation. Amazing.

Hindi pa ba sapat (mga fellow christians) yung tinanggap mo si Christ as your Lord and Savior? Hindi pa ba sapat yung namumuhay ka sa katwiran at kabanalan ng Dios? Kailangan pa ba talagang dumaan tayo sa mga kung anu-anong revised doctrines and teachings na kadalasan ay imbento lang rin naman natin?

Kahit anong generation pa yan basta kasama ang Panginoon, blessed na maituturing yan.

Pamilyang Jubilenyo

Jubilee Church - My second home, my spiritual refuge. In celebration of its 22nd Anniversary, here's a song that creates an impression of what we are as a family - camaraderie, fellowship, joys, festivities, friendship & brotherhood - absolutely worth no amount of money. Mabuhay ang Diyos sa puso ng bawat Jubilenyo!


PAMILYANG JUBILENYO
Words & Music by Israel Ibarra
June 2011

Kamusta ka
Ako'y natutuwa na muli tayong nagkita
Sa iyong mga ngiti
Pagmamahal ni Hesus ay nadaramang palagi

Wag mag-alala
Sa problema't kalungkutan - nariyan Si'ya
At narito kami
Kaagapay mo, katulong mo, kaya natin 'to

Chorus:
Sama-samang magkakapatid
Nagkakaisang sumasamba puso'y magkakalapit
Nagtutulungan, kapit-bisig
Ikaw, ako, lahat tayo
Pinag-isa na kay Kristo
Kapatirang totoo
Pamilyang Jubilenyo.

Bridge:
Kahit iba't ibang nakaraan
Iba't ibang pinanggalingan
May iisang layunin
Ang Dios ay dakilain
(Back to chorus)

Ikaw, ako, lahat tayo
Pinag-isa na kay Kristo
Kapatirang totoo
Pamilyang Jubilenyo. 

Tuesday, March 8, 2011

Kapag Wala sa Lugar


Nahuli na ba kayo ng pulis dahil sa Jaywalking? O kaya'y na-suspend sa trabaho dahil kahit hindi lunch break, labas ng labas at kain ng kain? May gusto ka bang sabihing mabuti sa iba pero nagalit pa sila sayo nang sabihin mo ito?

Kapatid, WALA KA SA LUGAR.  

Maraming gulo at perwisyo sana ang maiiwasan kung marunong tayong lumagay sa lugar. Ang laking pahirap kaya sa isang estudyante kung mali ang course na napasok niya. Kahit ang mga planeta sa Solar System ay may kanya-kanyang lugar. Tamang oras ng pag-ikot, pag-galaw, pagkilos.

God loves order so much that He made a strict schedule when the sun will rise and when the moon will grace its dim light shine. Ayaw niya ng magulo, labo-labo, baboy baboy, walang kaayusan. Lahat ng bagay ay nilikha ng Panginoon ayon sa kanyang karunungan. May dahilan bakit ang ilong mo ay pinagigitnaan ng iyong mga mata at bibig. Kung bakit hindi humahaba ang iyong mga pilik-mata tulad ng paghaba ng iyong buhok sa ulo. Ang pangit nun kung sakali di'ba? Isipin mo na lang, kung ang ilong mo ay inilagay katabi ng iyong kili-kili, aba'y perwisyo habang buhay yon kung sakali!

May nakita na ba kayong taong gumamit ng martilyo sa paglilinis ng tenga? Masakit sabihin, ngunit parang wala sa tamang kaisipan ang gagawa nuon. Bagay na madalas mangyari sa atin, kapag tayo ay kumikilos ng wala sa lugar.

Heto ka at mahal na mahal mo ang pag-awit, e yung pag-awit e wala talagang pagtingin sa'yo kahit katiting. Kahit saang event gusto mo kumanta, nagvo-volunteer ka pa. E talagang di' magdadalawang isip yung mga katabi mong barilin ka. Gustong-gusto mo maging basketball player, e ang talent mo pala nasa gardening. Prisinta ka ng prisinta magluto, e mas magaling ka pala sa pag-memekaniko. Madalas kasi ay nakatingin tayo sa iba, yung meron ang iba na wala tayo. Kung anung meron ang iba yun ang ginagaya. Umunlad si Pacquiao sa boxing, lahat na gusto mag-boxing. Matatangos ang ilong ng mga americans at europeans, lahat na gusto matangos ang ilong! E sadyang nilikha ng Dios tayong mga pilipino na hindi katangusan, ayaw niyo nun, mas malaki ang sagap ng hangin - mas madaling huminga?! Ang init-init sa pinas, pero todo longsleeves ka. Uso e - Korean novela ang dating! Minsan nakakatawa. Kadalasan nakakainis. Wala sa lugar.

Even in expressing our feelings, kahit tama at mabuti ang motibo, nagiging mali kung wala sa tamang oras sabihin at gawin. Nabibigyan ng maling kahulugan. "Sinabi ko na nga yung totoo sa kanya, nagalit pa! Bakit kaya?Wala sa timing. Andaming good and wholesome jokes na imbes makapag-pasaya ay nagiging cause pa ng tampuhan at pagkapahiya, dahil ginawa o sinabi ito ng wala sa lugar. May mga instances nga na maganda ang hangarin mo, pero wala sa tamang lugar kaya  nauuwi pa sa di magandang pangyayari. Tumatawid yung kaibigan mo sa kalsada, tinawag mo para i-greet siya, napalingon siya at hindi nakita ang dumadaan na truck ng basura, nawalan ka ng kaibigan ng wala sa oras.

We should always be aware of WHAT to say and WHEN's the right time to say it. Lumagay sa lugar.
Our vast capabilities, when misused, would end up resulting immeasurable harm.

Matuto tayong hanapin kung sino at anong meron tayo. Ano ang mga kakayanan natin. Anong mga talent ang pinagkaloob sa atin ng Dios. Alisin na natin ang "gaya-gaya" system na ating nakagawian. God has put unique abilities and potentials in each and every person he created. Ang kailangan lang, alamin natin kung ano ang mga yon.

Huwag ipagsiksikan ang sarili sa isang lugar na hindi para sa'yo. Mahirap tumubo ang buto na itinanim sa batuhan. Itanim mo ito sa tamang lugar at makikita mo, hindi lamang ito tutubo, hitik pa itong mamumunga.

Go! Find the RIGHT PLACE God has given you!

Sunday, March 6, 2011

Love! While there’s time.

This blog was written way back October, 2010. Unfortunately, I wasn't able to post it on any other blog site, since this blog account has just been freshly existing for weeks. But not that late for you to read and ponder on.  

Love! While there's time. 

I and the rest of the family were in San Rafael Bulacan last October 13 to attend my lola Jullita’s final wake. There, I have met once again my kamag-anakans (yung iba kilala ko but others were not familiar). Nagkita-kita din uli ang mga magkakapatid at magpipinsan. I’m grateful that somehow, there’s still a chance that we could get together as a family despite my tito and tita’s busy scheds. 

I came to realize that we should grab every opportunity to show our loved ones how we love them habang kasama pa natin sila. Kahit mga magkakapatid e naghihiwalay din pag nagsipag-asawa na at may kanya-kanya ng negosyo at direksyon ng buhay. Magkikita-kita na lang ulit pag matatanda na, minsan may mga sakit na nga. Nagiging reunion na nga lang halos pag may namatay ng isa sa kanila. 

The point is, habang bata pa at magkakasama pa sa iisang pamilya, magmahalan na. Kung may dapat patawarin, patawarin na. Kung kailangan mag-sorry e mag-sorry na. Pasalamatan mo na habang buhay pa dahil pag huli na e kahit ilang bulaklak pa yan e di na maapreciate, di niya na yan maaamoy. 

Nakakapagsisi yung kung kelan wala na yung tao tsaka ka magsasalita tungkol sa mga kabutihang nagawa niya sayo nung buhay pa siya. Why don’t do it now na buhay pa si kuya, na wala pang sakit si nanay at tatay? Akapin mo na yan habang pwede pa, ilibre mo na si ate habang may oras pa kayo, makinig na sa mga kwento nila lolo’t lola, mamasyal na habang wala pang rayuma. Dahil hindi habang panahon pwede, hindi lahat ng pagkakataon magkakasama kayo lahat. 

You'll never know when poverty, sickness, separation will take place. Habang may pera pa, habang wala pang sakit, enjoy and celebrate life with them! We should be in haste in showing our family that we love them. Napaka-iksi ng buhay para sayangin sa walang ka-kwenta kwentang mga tampo at pride. Life is too short to hold grudges, but is too long to to be celebrated and used in doing good things to our family. 

Go! Love while there's time.