Tuesday, March 8, 2011

Kapag Wala sa Lugar


Nahuli na ba kayo ng pulis dahil sa Jaywalking? O kaya'y na-suspend sa trabaho dahil kahit hindi lunch break, labas ng labas at kain ng kain? May gusto ka bang sabihing mabuti sa iba pero nagalit pa sila sayo nang sabihin mo ito?

Kapatid, WALA KA SA LUGAR.  

Maraming gulo at perwisyo sana ang maiiwasan kung marunong tayong lumagay sa lugar. Ang laking pahirap kaya sa isang estudyante kung mali ang course na napasok niya. Kahit ang mga planeta sa Solar System ay may kanya-kanyang lugar. Tamang oras ng pag-ikot, pag-galaw, pagkilos.

God loves order so much that He made a strict schedule when the sun will rise and when the moon will grace its dim light shine. Ayaw niya ng magulo, labo-labo, baboy baboy, walang kaayusan. Lahat ng bagay ay nilikha ng Panginoon ayon sa kanyang karunungan. May dahilan bakit ang ilong mo ay pinagigitnaan ng iyong mga mata at bibig. Kung bakit hindi humahaba ang iyong mga pilik-mata tulad ng paghaba ng iyong buhok sa ulo. Ang pangit nun kung sakali di'ba? Isipin mo na lang, kung ang ilong mo ay inilagay katabi ng iyong kili-kili, aba'y perwisyo habang buhay yon kung sakali!

May nakita na ba kayong taong gumamit ng martilyo sa paglilinis ng tenga? Masakit sabihin, ngunit parang wala sa tamang kaisipan ang gagawa nuon. Bagay na madalas mangyari sa atin, kapag tayo ay kumikilos ng wala sa lugar.

Heto ka at mahal na mahal mo ang pag-awit, e yung pag-awit e wala talagang pagtingin sa'yo kahit katiting. Kahit saang event gusto mo kumanta, nagvo-volunteer ka pa. E talagang di' magdadalawang isip yung mga katabi mong barilin ka. Gustong-gusto mo maging basketball player, e ang talent mo pala nasa gardening. Prisinta ka ng prisinta magluto, e mas magaling ka pala sa pag-memekaniko. Madalas kasi ay nakatingin tayo sa iba, yung meron ang iba na wala tayo. Kung anung meron ang iba yun ang ginagaya. Umunlad si Pacquiao sa boxing, lahat na gusto mag-boxing. Matatangos ang ilong ng mga americans at europeans, lahat na gusto matangos ang ilong! E sadyang nilikha ng Dios tayong mga pilipino na hindi katangusan, ayaw niyo nun, mas malaki ang sagap ng hangin - mas madaling huminga?! Ang init-init sa pinas, pero todo longsleeves ka. Uso e - Korean novela ang dating! Minsan nakakatawa. Kadalasan nakakainis. Wala sa lugar.

Even in expressing our feelings, kahit tama at mabuti ang motibo, nagiging mali kung wala sa tamang oras sabihin at gawin. Nabibigyan ng maling kahulugan. "Sinabi ko na nga yung totoo sa kanya, nagalit pa! Bakit kaya?Wala sa timing. Andaming good and wholesome jokes na imbes makapag-pasaya ay nagiging cause pa ng tampuhan at pagkapahiya, dahil ginawa o sinabi ito ng wala sa lugar. May mga instances nga na maganda ang hangarin mo, pero wala sa tamang lugar kaya  nauuwi pa sa di magandang pangyayari. Tumatawid yung kaibigan mo sa kalsada, tinawag mo para i-greet siya, napalingon siya at hindi nakita ang dumadaan na truck ng basura, nawalan ka ng kaibigan ng wala sa oras.

We should always be aware of WHAT to say and WHEN's the right time to say it. Lumagay sa lugar.
Our vast capabilities, when misused, would end up resulting immeasurable harm.

Matuto tayong hanapin kung sino at anong meron tayo. Ano ang mga kakayanan natin. Anong mga talent ang pinagkaloob sa atin ng Dios. Alisin na natin ang "gaya-gaya" system na ating nakagawian. God has put unique abilities and potentials in each and every person he created. Ang kailangan lang, alamin natin kung ano ang mga yon.

Huwag ipagsiksikan ang sarili sa isang lugar na hindi para sa'yo. Mahirap tumubo ang buto na itinanim sa batuhan. Itanim mo ito sa tamang lugar at makikita mo, hindi lamang ito tutubo, hitik pa itong mamumunga.

Go! Find the RIGHT PLACE God has given you!

Sunday, March 6, 2011

Love! While there’s time.

This blog was written way back October, 2010. Unfortunately, I wasn't able to post it on any other blog site, since this blog account has just been freshly existing for weeks. But not that late for you to read and ponder on.  

Love! While there's time. 

I and the rest of the family were in San Rafael Bulacan last October 13 to attend my lola Jullita’s final wake. There, I have met once again my kamag-anakans (yung iba kilala ko but others were not familiar). Nagkita-kita din uli ang mga magkakapatid at magpipinsan. I’m grateful that somehow, there’s still a chance that we could get together as a family despite my tito and tita’s busy scheds. 

I came to realize that we should grab every opportunity to show our loved ones how we love them habang kasama pa natin sila. Kahit mga magkakapatid e naghihiwalay din pag nagsipag-asawa na at may kanya-kanya ng negosyo at direksyon ng buhay. Magkikita-kita na lang ulit pag matatanda na, minsan may mga sakit na nga. Nagiging reunion na nga lang halos pag may namatay ng isa sa kanila. 

The point is, habang bata pa at magkakasama pa sa iisang pamilya, magmahalan na. Kung may dapat patawarin, patawarin na. Kung kailangan mag-sorry e mag-sorry na. Pasalamatan mo na habang buhay pa dahil pag huli na e kahit ilang bulaklak pa yan e di na maapreciate, di niya na yan maaamoy. 

Nakakapagsisi yung kung kelan wala na yung tao tsaka ka magsasalita tungkol sa mga kabutihang nagawa niya sayo nung buhay pa siya. Why don’t do it now na buhay pa si kuya, na wala pang sakit si nanay at tatay? Akapin mo na yan habang pwede pa, ilibre mo na si ate habang may oras pa kayo, makinig na sa mga kwento nila lolo’t lola, mamasyal na habang wala pang rayuma. Dahil hindi habang panahon pwede, hindi lahat ng pagkakataon magkakasama kayo lahat. 

You'll never know when poverty, sickness, separation will take place. Habang may pera pa, habang wala pang sakit, enjoy and celebrate life with them! We should be in haste in showing our family that we love them. Napaka-iksi ng buhay para sayangin sa walang ka-kwenta kwentang mga tampo at pride. Life is too short to hold grudges, but is too long to to be celebrated and used in doing good things to our family. 

Go! Love while there's time.